MGA SENADOR, EMPLEYADO NAGSIBABAAN DAHIL SA LINDOL

INIWAN ng mga senador at empleyado ng Senado ang gusali ng opisina dahil sa 5.9 magnitude na lindol na tumama sa  Occidental Mindoro at naramdaman sa Metro Manila.

Agad na naglabasan ng session hall ang mga senador palabas ng gusali ng Senado gayundin ang mga empleyado nito.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang tectonic na lindol ay tumama dakong 4:23 p.m. at may lalim na focus na 79 kilometro.

LIZA SORIANO