MGA SENADOR HANDA NA SA PAGBUBUKAS NG SESYON

HANDA na ang Senado sa pagbubukas ng first regular session ng 19th Congress sa araw ng Lunes kasabay ng state of the nation address ni Pangulong Ferdinand “Bongbong “Marcos Jr.

Ganap na 10:00 ng umaga bubuksan ang sesyon bago ang kauna-unahang SONA ni Pangulong Marcos.

Inaasahang dadalo ang 24 na senador sa sesyon.

Ipapasa ang resolusyon na magpoproklama sa 12 bagong halal na senador.

Maghahalal ng bagong Senate president, Senate president pro tempore, maging ng bagong Senate Secretary at Senate Sgt -at-arms.

Sina Senador Migz Zubiri, Chiz Escudero, Cynthia Villar, at Sherwin Gatchalian ang naunang naiulat na posibleng mga contender para sa pinakamataas na posisyon sa Senado.

Ngunit napagkasunduan ng mga senador ng 19th Congress, na si Zubiri ang susunod na pangulo ng Senado.

Matapos ang pagbubukas ng sesyon ay magtutungo ang mga senador sa Batasan Complex sa hapon para personal na mapakinggan ang SONA ng Pangulong Marcos. LIZA SORIANO