IBINAHAGI ni Senate President Juan Miguel Zubiri na patuloy pa rin ang pagtatrabaho ng mga senador kahit naka-break ang mga ito.
Sa kanyang talumpati sa pagbubukas muli ng Kongreso, pinuri niya ang mga kapwa senador na patuloy ang pagtatrabaho.
“We are not resuming work because, in the first place, we never took a break from it… Rather, we are revving up work because much remains to be done,” ani Zubiri.
“Nagdinig tayo ng magagandang bills. Nag-imbestiga ng mga masasamang gawain. Nagbigay tulong sa mga may pangangailangan,” dagdag pa niya.
Iginiit din ni Zubiri ang kalayaan ng Senado, na kinikilalang maaaring magkaiba ang pananaw ng Kamara sa mga isyu kaysa kay Marcos.
“His (Marcos) take on things may differ with us. His can be rosy. Ours can be restrained. Or in certain issues, we may be upbeat as he will be subdued… In tackling bills, let us bear in mind that these are not the President’s request, but the people’s. Some of these may not be what we want, but they are what the country needs,” sinabi ni Zubiri.
Hindi rin aniya madadala sa opinyon ng publiko ang Senado.
“We will sail against the wind, so to speak, even meeting headlong the gust of public opinion and to stay the course for as long as we know that we are right. So those unpopular but correct, we will defend. The plenary’s mood should not be dictated by any political weather vane,” aniya ni Zubiri.
“Hindi ito Senado na lunod sa numerong walang saysay, o lutang sa katotohanan. Sa halip, lubog tayo sa taumbayan na siyang nagbibigay lakas sa institusyong ito,” dagdag pa niya.
LIZA SORIANO