PABOR ang mga senador na bigyan ng amnestiya ang mga rebelde.
Ito ay makaraang lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibigay ng amnestiya sa mga miyembro ng iba’t ibang rebeldeng grupo.
Ayon kay Sen. Jinggoy Estrada, ang sponsor ng mga resolusyon, pagpapatunay lamang ito ng komprehensibong programang pang-kapayapaan ng administrasyon.
“ I am truly honored and privileged to sponsor these measures that will foster healing and social cohesion, and will provide the window to end internal armed conflict and rebellion, which have already cost the country a staggering amount of lost economic opportunities and the lives of countless Filipinos,” ani Estrada,
May 2,000 dating miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF), 1,200 miyembro ng Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas/Revolutionary Proletarian Army/Alex Boncayao Brigade (RPMP-RPA-ABB), at 400 Moro Islamic Liberation Front (MILF) surrenderees ang inaasahan tatanggapin ang alok na amnestiya.
Ipagkakaloob ang amnestiya sa mga rebelde na nakagawa ng mga krimen dahil sa kanilang ideolohiya o paniniwalang-pulitikal.
Kabilang sa mga krimen ay rebellion o insurrection, sedition, illegal assembly, direct and indirect assault, resistance and disobedience to a person in authority, at illegal possession of firearms, ammunition, or explosives.
“It is important to note that these crimes or offenses must have been committed in furtherance of, incident to, or in connection with the crimes of rebellion or insurrection, among others,” ayon pa kay Estrada.
LIZA SORIANO