NAKATANGGAP ng papuri sa mga senador ang unang State of the Nation Address ( SONA) ni Pangulong Ferdinand ” Bongbong” Marcos Jr.
Pinuri ni Sen. Bong Go ang naging SONA ng Pangulo partikular na sa nais nito para sa health care system ng bansa lalo’t nasa kalagitnaan pa rin ng pandemya ang bansa
Sa talumpati ng Pangulo ay binigyan nito ng kahalagahan ang pagtatatag ng Virology Institute, Center for Disease at medical courts na kasama sa priority bills ng PDP-Laban ng senador.
Nagpasalamat din si Go sa pangako ni PBBM na ipagpatuloy ang ilan sa mga programa na isinulong ng nagdaang Duterte administration.
Sa panig naman ni Senador Sonny Angara, sinabi nito na malinaw na nailatag ng Pangulong BBM ang kanyang mga nais na maisakatuparan sa susunod na buwan o taon.
“Mahaba haba ang listahan ng ating Pangulo at ito’y susuportahan at pagkakaisahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso, lalo na ang mga nabanggit at plano niya para sa sektor ng agrikultura, kalusugan, turismo, enerhiya, impraestruktura, edukasyon at marami pang iba.” ani Angara
Samantala, iginiit naman ni Senate President Pro Tempore Loren legarda na ‘inspiring” at uplifting ang naging SONA ng Pangulo
Tinukoy niya ang nabanggit ng Pangulo na plano para sa ekonomiya, fiscal policies and strategies maging ang sa edukasyon, agrikultura, klima, disaster risk at sa transportasyon, kalusugan, foreign relations at marami pang iba. LIZA SORIANO