MGA SENATOR PAKIKINGGAN ANG IDEYA SA PAGPALIBAN SA BARMM POLLS

Tiniyak ni Senate President Chiz Escudero na pakikinggan ang panig ng mga senador ukol sa pagpapaliban ng eleksyon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Min­danao (BARMM).

“Those who are in favor and those who oppose it will all be heard and their positions and opinions consi­dered. And in the end, it will be put to a vote. That is what a democracy is all about,”   ani Escudero.

“It’s a one-page bill that simply seeks [to] postpone the date of the elections by a year. The reasons behind its filing are stated in the explanatory note,” dagdag pa niya.

Naghain ni Escudero ng panukala para ipagpaliban ang pagsasagawa ng elek­syon sa BARMM. Nais niyang gawin ito sa 2026 sa halip na sa susunod na taon.

“Importanteng magawa ‘yan para mabigyan ng notipikasyon na ang ating mga kababayan dun sa BARMM kaugnay ng balak ng Kongreso na ipagpaliban ang eleksyon, at ang pangunahing dahilan ay ang desisyon ng Korte Suprema kaugnay ng lalawigan ng Sulu,” sinabi ni Escudero sa nauna niyang pahayag.

LIZA SORIANO