Bukod sa napakaraming kontrobersya, panganganak, hiwalayan at kasalan, ilang showbiz personalities ang namaalam hindi lamang sa showbiz world kundi sa mundo ng mga buhay.
Ikinalungkot ng lahat ang pagpanaw nina veteran entertainment writer and film critic Mario Bautista; visual artist, podcaster, and former Promil “Gifted Child” CJ De Silva-Ong; radio personality CJ de Villa; medical doctor and mental health advocate Gia Sison; at negosyanteng David Charlton, founder ng David’s Salon.
Pumanaw rin si Danny Ledesma Mandia, “Father of Modern Filipino Dubbing”; negosyante at statesman Larry Henares Jr.; gayundin ang may-ari ng Italian restaurant na Bellini’s na si Roberto Bellini; at sports journalist Chino Trinidad.
May mga showbiz personalities ding lumisan ng hindi inaasahan. Tulad na lang ni Deo Edrinal o Roldeo “Deo” Edrinal, writer, producer, at head ng Dreamscape Entertainment ng Kapamilya Network. Namatay siya noong February 3, 2024, dahil sa multiple organ failure.
March 4 naman inatake sa puso at namatay ang sikat na actress na si Jaclyn Jose sa edad na 60.
Pumanaw rin ang Philippines’ Queen of Prosthetics na si Cecille Baun sa edad na 89; at ang talent manager na si Leo Dominguez na mentor ni Ogie Alcasid sa edad na 64.
Biglaan din ang pagkamatay ni comic strip creator and writer-director Carlo J. Caparas sa edad na 80 noong Mayo.
Kahit ang dating Philippine basketball legend, Olympian, and comedian na si Rosalio ‘Yoyong’ Martires ay namatay rin sa edad na 77 noong June 18.
Namaalam din si actor and director Manny Castañeda at 69 dahil sa kumplikasyon sa puso at sakit sa bato noong June 30.
July 13 naman pumanaw si Veteran sports journalist Chino Trinidad, na 56 years old dahil sa heart attack, habang patungo sa meeting sa Newport World Resorts.
Ikinalungkot ng lahat ang pagpanaw ni Mother Lily Monteverde na namatay sa edad na 85 noong early August, isang araw matapos ilibing ang kanyang asawang si Remy Monteverde na namatay naman noong July 29 sa edad na 86.
Gayundin si Philippine music legend Coritha na 73 years old namatay noong September 27. Nagkaroon siya ng stroke noong early 2024 at hindi na naka-recover.
Nitong November, namatay sa Stage 4 breast cancer si Aegis member Mercy Sunot Sa edad na 48 sa California, USA.
Hindi Pinoy si popular British boy band One Direction Liam Payne, ngunit ipinagluksa ng maraming Filipino fans ang kanyang pagpanaw noong October matapos mahulog sa hotel balcony sa Buenos Aires, Argentina.
Hindi rin Pinoy si Maggie Smith pero kilala siya ng lahat dahil sa mga pagganap niya sa Harry Potter. Namatay ang veteran actress noong September 27.
Sa kanilang pagpanaw, pabaon ng Pilipino Mirror Entertainment ay dasal para sa mapayapang paglalakbay ng kanilang mga kaluluwa sa dako pa room.