NASAMSAM ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at National Bureau of Investigation (NBI) ang kahon-kahong sigarilyo mula sa dalawang warehouse sa Barangay Bulua Diversion Road at Barangay Cugman.
Sa pagsusuri sa mga sigarilyo, napag-alamang peke ang BIR stamp na idinikit sa mga kaha.
Ang iba namang kaha ay walang nakadikit na BIR stamp.
“They have not paid because the moment you remove excisable articles from the place of production, you have to pay and file your returns and pay your taxes. Excise taxes to be specific,” sabi ni Atty. Jonaidah Darimbang, legal officer ng BIR-Region 10.
Ayon sa BIR, aabot sa higit P882 milyon ang excise tax deficiency ng mga manufacturer dahil sa paggamit ng pekeng BIR stamp.
“Their violations are both fines and imprisonment. As with regards to the amount, they have to pay P882 million. The amount is so bloated up because it was multiplied by 10 in accordance with the NIRC (National Internal Revenue Code),” dagdag ni Darimbang.
Aalamin ng BIR kung sino-sino ang manufacturer ng mga sigarilyo at kung sino ang consignee nito sa lungsod dahil kabilang din sila sa sasampahan ng kasong paglabag sa NIRC.
Nakatakda namang itapon ng BIR ang mga sigarilyo.
Comments are closed.