PINANGUNAHAN ng Department of Health (DOH) ang isinagawang National Bike-to-Work day 2024 o National Bicycle day na nilahukan ng mga siklista sa Sto Niño covered court sa Marikina city.
Nagsama-sama ang iba’t ibang sangay ng gobyerno sa naturang aktibidad na ang tema, “Ride together, thrive together.”
Ang National bike-to-work day ay alinsunod sa Proclamation 409 na pinagtibay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong 2023.
Layon nitong maitaas ang kamalayan ng publiko ukol sa kahalagahan ng pagbibisikleta na isang alternatibong transportasyon at pagtataguyod ng active transport sa bansa .
Magugunita na noong kasagsagan ng pandemiya isa sa naging alternatibong transportasyon ang bisikleta makaraang kanselahin ang biyahe ng mga pampublikong transportasyon.