UMARYA na! 2,100 na mga volunteer cyclist ang pumadyak nitong Lunes, Marso 14, lulan ng kanilang mga bisekleta bilang suporta sa eco-friendly election campaign ni dating Speaker at ngayo’y nagbabalik-Senado na si Alan Peter Cayetano. Ang 1 4 Alan Bike Caravan ay isinagawa sa 14 na lugar sa buong bansa na nilahukan ng 87 grupo ng mga siklista.
Ang bike caravan ay sabay-sabay na ginanap sa Lungsod ng Marikina at Maynila; Vigan, Baguio, Urdaneta sa Pangsinan; Pili, Camaries Sur at Legazpi, Albay na bahagi ng Luzon. Sa Visayas naman, nagkaroon din ng bike caravan sa Lungsod ng Cebu, Bacolod, Barotac Nuevo sa Iloilo at Ormoc City samanatalang sa Cagayan De Oro, General Santos, at Lungsod ng Zamboanga naman pumadyak ang mga volunteer cyclist para sa naturang bike caravan sa bahagi ng Mindanao.
Aba’y alam naman natin na si Cayetano ang kauna-unahang kandidato na nagpatupad ng eco-friendly election campaign trail dahil sa kanyang pagpapahalaga sa kalikasan at para ‘di na makadagdag sa gabundok na basura ng mga campaign materials na nahahakot pagkatapos ng halalan. Kaya naman dininig ng mga volunteer cyclist ang kanyang panawagan na suportahan ang kanyang digital campaign dahil hindi na sya nagpaimprenta ng posters, flyers at iba pang mga traditional campaign materials.
MInabuti rin ng dating Speaker na hindi magsagawa ng mga motorcade ngayong kampanya dahil sa walang habas na pagtaas ng presyo ng gasolina at upang ‘di na makadagdag sa lumalalang polusyon sa bansa.
Ayon nga kay Barotac Nuevo Councilor Simon Fernando, umaasa siya na magpapatuloy ang naturang eco-friendly campaign ni Cayetano dahil nakatutulong ito sa kalikasan. Binigyang- diin naman ni Albay Board Member at Association of Barangay Councils (ABC) Albay Chapter President Joseph Philip “JP” Lee na karapat-dapat suportahan ang naturang bike caravans at ang adbokasiya ni Cayetano para sa eco-friendly na pangangampanya ngayong halalan. Umaasa rin si Lee na magsisilbing halimbawa ang eco-friendly campaign ni Cayetano sa ibang national candidates dahil kaya naman palang mangampanya na walang basura upang makatulong sa ating kalikasan.
Bilang kauna-unahang kandidato na nagsasagawa ng ganitong uri ng pangangampanya, sinabi ni Cayetano na hindi siya magsasagawa ng mga motorcade dahil maaksaya ito sa gasolina at nakadadagdag pa sa polusyon kaya noong February 28, unang isinagawa ng mga cycling groups ang kauna-unahang bike caravan sa Pampanga at Laguna bilang pagsuporta kay Cayetano.
Bukod dito hinikayat din ni Cayetano ang kanyang mga tagasuporta na magtanim ng mga puno at mangrove, magtayo ng urban farms, at gamitin ang social media bilang mga alternatibo sa tradisyunal na pangangampanya. Kaya naman pinuri ng iba’t ibang environment groups ang panawagan ng dating Speaker tulad ng EcoWaste Coalition na nagsabing nagpapahayag ito ng kanyang “malalim na pagkalinga sa kalikasan at mahalagang misyon na gawing mas malinis, ligtas, at maayos ang kampanya hanggang sa araw na halalan.”
Ang 1 4 Alan Bike Caravans ay nilahukan din ng ilang social media influencers na nakipadyak din kasama ng mga volunteer cyclist. Nagpakita rin ng suporta ang mga pamilya ng sari-sari stores na nakatanggap ng tulong mula kay Cayetano sa pamamagitan ng bike caravan posters sa harap ng kanilang mga tinadahan.
Sana mamulat na rin ang ibang mga kandidato na bawasan na ang pagdidikit ng mga campaign posters bilang respeto sa kapaligiran at sa mga taong nahihirapan sa pagbabaklas at pagtatanggal ng mga posters kapag tapos na ang halalan. Patuloy na pinatutunayan ni Cayetano na posibleng gawin ang dating imposible. Na puwede palang patunayan na sa kampamya pala ay puwede mo nang ipakita ang iyong moral at social responsibility bilang patunay na inuuna mo ang kapakanan ng iyong kapwa tao kaysa sa iyong sarili.