MGA SIMBAHAN PINAYUHANG MAGKABIT NG CCTV

CCTV-3

UPANG matiyak ang seguridad ng mga deboto at kura paroko, mismong ang Public Safety and Security Command Center (PSSCC) ang nagpayo sa mga simbahan na maglagay ng closed-circuit television (CCTV) cameras sa kanilang pasilidad.

Ito ay para ma-monitor ang kahit na anong banta ng seguridad.

Ayon kay PSSCC chief Benito De Leon, kung may mga CCTV cameras ang mga simbahan, magdadalawang-isip ang mga masasamang loob na gumawa ng masama dahil alam na may nakatutok na camera sa kanila.

Dahil dito  masisigu­ro umano ang seguridad para sa mga nagsisimba.

Ginawa ang pagpayo upang hindi na maulit ang insidente sa Mt. Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu kung saan marami ang namatay at nasugatan matapos bombahin ng mga terorista.

Sa kasalukuyan may mga “uniformed men” ang dumadalo sa mga isinasagawang misa para ma-monitor din ang sitwasyon sa mga simbahan sa si-yudad. AIMEE ANOC

Comments are closed.