MGA SIMPLENG PARAAN KUNG PAANO ALAGAAN ANG REPUTASYON NG BRAND MO

homer nievera

KUMUSTA, ka-negosyo? Nawa’y nasa mabuti kang kalagayan. Gusto ko namang kumustahin ang brand ng produkto o serbisyo mo  lalo na sa panahon ng krisis (gaya ng pandemyang ito). Umaangat ba sa kategorya o industriyang ginagalawan mo? ‘Di ba ito lumilipad gaya ng napagplanuhan mo – o sadyang ‘di makaungos? Ang halaga ng reputasyon ng brand mo ay nakatali sa negosyo mo sa pangkalahatan.

Sa iba, nakatali ito sa mismong may-ari. Aalamin natin sa pitak na ito ang buong  kahalagahan ng pag-aalaga ng reputasyon at ang mga kailangan mo upang umungos ito. Tara na at matuto!

#1 Halaga ng Reputasyon sa Negosyo

Maraming dahilan kung bakita dapat alagaan ang reputasyon mo. Isang simpleng pananaw ay ang sitwasyon natin sa mundo ngayon kung saan ang pagnenegosyo ay online na. Ang ibig sabihin lang nito ay ang reputasyon ng isang brand o negosyo ay nasusukat sa kung ano ang nababasa at kung ano ang nakikita nila online. Kasama rito ay ang pag-search nila sa Google at social media gaya ng Facebook. Ang tanong na laging hinahanap ng mga tao sa search ay kung kumusta ang brand o taong hinahanap. Lalo na kung nasa taas ka ng search results, ano ba mismo ang nakikita nila tungkol sa iyo? Bukod kasi sa pagiging popular mo sa search results, ang tanong doon  ay kung ano naman ang makikita nila o mababasa nila tungkol sa iyo o sa brand mo?

#2 Gumamit ng PR

Ang PR – o public relations – ay matagal nang ginagamit na paraan upang mapalaganap ang reputasyon ng isang brand, produkto o tao. Ang pinakamatagal na paggamit ng bagay na ito ay maaaring makita sa panahon pa ng mga ninuno natin na gumagamit ng mga maiimpluwensiyang tao upang mapalaganap ang mensahe o ideya. Sa kasalukuyang panahon, ang paggamit ng media ang madalas gamitin sa PR. Madalas, ang print media gaya ng diyaryo o magasin ang gamitin o kaya ay sa TV at radyo. Pero sa ngayon, ang internet kasama ang social media gaya ng Facebook at YouTube ang ginagamit para rito.  Ano ba ang pumapaloob sa PR?

Ang madalas na gamit nito ay ang mga tinatawag na press release kung saan naisulat na ng gumawa ng mensahe o komunikasyon ang nais nitong ipalaganap. Ito ay maaaring anunsiyo ng pagbubukas ng bagong tindahan, paglabas ng bagong produkto, o kahit nga ang promosyon ng isang tao ay  pumapaloob dito. Ang sentro ng PR ay ang mismong nilalaman nito. Kasunod na lamang ang  pagplano ng gagamiting media. Kaya naman kung gagamit ka ng PR upang pangalagaan ang reputasyon mo,  siguraduhing akma ang mensaheng nakasulat sa nais mong ipalaganap. At siyempre, dapat totoo ito. Kasi kung ‘di ito totoo, babalik lang sa ‘yo ang masamang reputasyon, ‘di ba?

#3 Ilang paraan ng pagpapalaganap ng reputasyon

Maraming paraan pa ang mga puwedeng  gamitin sa pagpapalaganap ng mabuting reputasyon sa  brand mo, na siyang magiging laman ng PR mo. Narito ang ilan:

  • Online Review – Ang pagkakaroon ng mga review sa mga online na plataporma ay mahalaga ngayon sa panahong ito. Isang halimbawa ay ang mga review sa produkto mo sa Lazada man o Shopee. ‘Di ba, bago ka bumili dito, tinitingnan mo ang sinasabi ng iba? Nandoon lang naman kasi ‘yun eh. Kung maraming mahusay na review, ikaw ang bibilhan ng produkto. Ganoon kasimple. Kaya naman mas mainam na humingi ng mga review sa mga bumibili sa ‘yo. Malalaman mo rin ang feedback nila para makatulong sa pagsasaayos ng produkto mo.
  • Charity – maganda rin ang pag-donate sa mga institusyong maganda rin ang reputasyon. Nakatutulong ito upangmakita ng mga tao na di lang sa negosyo napupunta ang kita kundi sa mga institusyong tumutulong sa iba.
  • Causes – Ang mga causes na susuportahan o uumpisahan ay nakakapagpabuti ng reputasyon mo. Lalo na ang makabagong henerasyon na  nakatuon ang pansin sa mga gawaing makapagpapabuti ng mundo o ng tao ay kanilang tinatangkilik. Mga causes gaya ng pagsaayos ng kalikasan o pagtulong sa panahon ng pandemya o anumang krisis ay patok dito.
  • Talks – magbigay ka ng mga libreng talk sa mga organisasyong makatutulong-dunong sa iba. Malaking bagay ito upang mapalawig ang reputasyon mo at brand mo. Anumang kaalaman ang iyong ibabahagi nang libre ay nakagaganda ng pagtingin sa iyo ng  mga tao at mamimili.

#4 Gumamit ng SEO

Sa negosyo namin, ang pagkakaroon ng PR at SEO ay sabayang ginagamit upang mapalaganap ang reputasyon ng brand, tao o negosyo na aming tinutulungan.  Kaya kapag hinanap mo ang Top Rank SEO sa Google, makikita mo kami dun. ‘Yan ang pangunahin at simpleng paraan upang  mapalawig ang reputasyon ng isang brand.

Paano ba gawin ang SEO?

Ang SEO ay magkasamang sining at siyensiya. Ang sining dito ay ang pagsusulat at ang siyensiya ay ang ang paggamit ng iba’t ibang  tools sa pagsaliksik ng tamang keywords sa paghahanap ng mga mamimili sa Google.  Ang simpleng umpisa kung paano pangalagaan ang reputasyon sa  pamamagitan ng SEO ay ang pagsaliksik sa Google kung ano ang makikita nila kung hahanapin ang brand o pangalan mo. Ano kaya ang lalabas dito? Magugustuhan mo ba ang mga resulta? Kulang ba? Paano naman ang paglabas ng kumpetisyon?

Mula rito, aayusin mo ang pagkakalathala ng mga bagay-bagay na alam mong mahalaga na makita ng iba. Mag-edit sa website at sa social media ng mga laman nito upang iakma sa search ng brand mo. Tandaan na mahaba ang proseso ng SEO pero pangmatagalan naman ang epekto nito. Pag-aralan mo rin upang mas maintindihan, ok?

Pagtatapos

Ang reputasyon ng brand mo ay isang mahalagang bagay na dapat pagtuunan ng pansin. Kung ano ka sa pagsaliksik pa lang o review ng iba ay magkakaroon ng resulta sa pagbebentamo, online man o hindi. Ang pagiging entrepreneur ay sadyang mahirap ngunit exciting. ‘Di man ito para sa lahat, maaari ka namang  mag-sideline.  Tandaang ‘di ito para sa mahina ang loob at  kulang ang tiwala sa sarili. Magkaroon ka ng sipag at tiyaga at ang maging masinop sa lahat ng bagay.  Higit sa lahat, mangarap para sa kinabukasankasama ng pagtiwala sa sarili at pananampalataya sa Diyos.



Si Homer Nievera ay isang technopreneur. Maaari siyang makontak sa email niya na  [email protected]

8 thoughts on “MGA SIMPLENG PARAAN KUNG PAANO ALAGAAN ANG REPUTASYON NG BRAND MO”

  1. 127765 53000Sounds like some thing plenty of baby boomers ought to study. The feelings of neglect are there in numerous levels when a single is over the hill. 688228

  2. 276736 49519Hello! I just wish to give an enormous thumbs up for the excellent data you may have right here on this post. I can be coming again to your blog for far more soon. 370011

  3. 351042 359969Oh my goodness! a amazing post dude. Thank you Even so I is going to be experiencing issue with ur rss . Dont know why Can not subscribe to it. Will there be any person getting identical rss problem? Anybody who knows kindly respond. Thnkx 717098

Comments are closed.