HINIMOK ni Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director General at Secretary Guiling Mamondiong ang may 200 trainers mula Marawi City, Lanao del Sur na magparami sa pamamagitan ng pagsasanay ng 3,000 iba pang trainers at sila naman ang magsasanay sa mga manggagawa sa mga kinakailangang kasanayan hindi lamang para sa pagbangon ng ekonomiya sa Marawi City at Lanao del Sur kundi pati na rin upang mapaunlad ang kanilang pamumuhay.
Sa kanyang pagdalo sa pagtatapos ng Multiplier Trainer’s Training Program on Agri-based Product Skills Livelihood ng TESDA na idinaos sa Korea-Philippines Vocational Training Center sa Davao City, inihayag ni Mamondiong na ang 200 trainers ay makatutulong upang mapasigla at mapaunlad ang ekonomiya ng Muslim Mindanao.
“President Rodrigo Roa Duterte has started the road to long-lasting, sustainable, and just peace by signing into law the Bangsa Moro Organic Law. We, at the TESDA, are embarking on an economic revolution to sustain that peace, and that could be achieved if you, our trainers, will provide our people with the necessary skills, not only for rebuilding Marawi, but also to reduce poverty and pursue economic growth in the city and Lanao del Sur,” pahayag ni Mamondiong.
Hinamon din ni Mamondiong ang mga trainer na gamitin ang kanilang bagong mga natutuhan na kasanayan upang magsanay ng ibang trainers at iba pang manggagawa, internally-displaced persons, rebel returnees at iba pang mahihirap na mamayan at tumulong sa gobyerno sa paglutas ng kahirapan at pagkaroon ng pangmatagalang kapayapaan at pagpapaunlad ng ekonomiya sa Muslim Mindanao.
Ayon kay Mamondiong, mag-oorganisa rin ang TESDA ng katulad na programa para sa mga lalawigan ng Maguindanao, Sulu, Basilan at Tawi-Tawi. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.