MGA SOFA PARA SA LIVING ROOM

KUNG living room ang usapan, dalawang bagay ang agad napapansin – ang television, at ang sofa. Ang television ay central appliance ng living room dahil ito ang tradisyon sa maraming bahay ng mga Filipino, huwag mo pang isama ang mga diploma at certicicates na naka-laminate.

Maraming kulay at hugis ang mga sofa at dahil dito, sa halip na TV sofa na ang main attraction. Isa pang dahilan, medyo may kalakihan ito at mas madaling makita. Heto ang ilang suhestiyon para sa inyong living room.

English Couch

English o club sofa ay matatagpuan sa mga bahay na tradisyunal. Ang mga silya ay karaniwang associated with luxury, history, at class. Balat ang upholstery at malalapad ang armrests, low back, at maraming padding para kumportable. Magandang gamitin ang club chairs na pahingahan. Actually mas maganda ito sa study room.

Sectional Sofa

May dalawang sections ang sectional sofa. Meron itong configuration na pwedeng kumasya sa kahit anong layout ng kwarto.

Chesterfield Couch

Ang Chesterfield sofa ay malalaki, may rolled arms na singtaas ng likuran at kita ang kahoy na paa. Status symbol ito dahil medyo mahal. Una silang ginawa noong 1700s sa England at makaraan ang 200 taon, hindi pa  rin ito naluluma dahil sa kanyang timeless classic look. Gawa rin ito sa leather pero mas modern ang design.

Camelback Sofa

Camelback sofa ang tawag dito dahil meron itong rolled arms at likod na parang kamelyo. Kita rin ang mga pa anito pati na ang back cushions.

Mid-Century Mo­dern Sofa

Minimalistic lang sila. Popular ito noong 1940s hanggang 1970s dahil kumportable ito, stylish, at elegante. Ang mid-century modern sofa ay kumbinasyon ng club couch at chesterfield couch, at bagay na bagay sa mga mo­dernong bahay.

Cabriole Sofa

Sa mga eleganteng bahay, karaniwang nakikita ang cabriole sofa. Ito yung may carved wooden frame at distinctly curved legs na may concave lower portions. Sumikat ito noong 1800s pero hindi pa rin nawawala sa uso.

Kawayang sofa

Ito yung native na native. Mura na, maganda pa. Bagay ito sa kahit anong bahay, pangmayaman man o pangmahirap.

Ngayong may pagpipilian na kayo, alam na ba ninyo kung anong ang gagamitin ninyo sa inyong living room?. JAYZL VILLAFANIA NEBRE