MGA STATE UNIVERSITY ‘DI PANG- IDEOLOHIYA LAMANG – DILG

State universities

QUEZON CITY – HINDI eksklusibo para sa idelohiya ang mga pampublikong unibersidad at kolehiyo subalit hindi naman hinahadlangan ng gobyerno ang mga militant student organization.

Gayunman, iginiit ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na welcome ang karapatan ng bawat mag-aaral na marinig ang magkabilang panig ng isyu.

Ginawa ito ng kagawaran makaraan ang pagbatikos ng mga estudyante sa paglalagay ng pulis sa mga campus.

Paliwanang naman ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na may area lamang ang mga pulis.

Habang tinutulan din ng kalihim ang pahayag ng mga militant student na ang kanilang ideolohiya o pananaw lamang ang katanggap-tanggap.

Wala rin anyang militarisasyon at martial law sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) at ito ay kathang-isip  lamang. PAULA ANTOLIN

Comments are closed.