HINIKAYAT ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipino na stranded sa Sudan na umuwi na ng Pilipinas.
Ito’y sa gitna ng giyera at mga ulat ng pagnanakaw sa mga tahanan ng mga dayuhan doon.
Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo De Vega, hindi bababa sa 110 Pilipino mula sa Khartoum ang nakipag-ugnayan na sa mga awtoridad ng Pilipinas upang humingi ng tulong.
Gayunman, hindi lahat ay nagnanais na umuwi o bumalik sa Pilipinas.
Kaugnay nito tiniyak ni De Vega na sinusubukan na ng gobyerno na magkaroon ng mass repatriation.
-DWIZ 882