MGA SUNDALO NAKATANGGAP NG BIBLIYA

BIBLE READING

BUKOD sa mga makabagong armas, pinagkalooban kahapon ng 7,571 na bibliya ang mga kasapi ng Philippine Army.

Sa isang simpleng turnover ceremony, tinanggap ng army ang bibliya mula sa Gideons International Association.

Ang 7,571 na bibliya ay official na ipinagkaloob ni Gideons International representative Brig. Gen. Jose Johnriel Cenabre (Ret) kay Army Chief of Staff Brig. Gen. Rowen S. Tolentino para ipamahagi sa iba’t ibang army headquarters units at offices.

Nabatid na simula pa noong 1941, ang  Gideons International ay nagsimulang magkaloob ng bibliya sa mga sundalo sa ilalim ng kanilang motto: “arm them with the Gospel too.” VERLIN RUIZ

Comments are closed.