MGA SUNDALONG NAAGAWAN NG ARMAS NG NPA IIMBESTIGAHAN

armas

CAMP AGUINALDO – UPANG maging mapagbantay at hindi na maulit ang pagkatalo mula sa pag-atake ng New People’s Army (NPA), pinaiimbestigahan na ni Armed Forces of the ­Philippines (AFP) Chief of Staff, Lt. Gen. Benjamin Madrigal ang mga sundalong naagawan ng armas.

Aminado naman ang katatalagang pinuno ng AFP na hinihintay pa niya ang buong detalye hinggil sa pag-atake dahil pawang sketchy pa lamang ang report na nakara­ting sa kanya.

Layunin ng nasabing imbestigasyon na alamin ang katotohanan sa likod ng pag-atake at tukuyin ang sanhi kung bakit nalusutan ang tropa ng pamahalaan.

Batay kasi sa initial report, madaling araw nang lumusob ang mga rebelde at naagaw sa mga nagbabantay na sundalo ang kanilang mga armas.

Gayunman, walang naganap na engkuwentro sa pagitan ng mga sundalo at mga rebelde.

Aminado si Madrigal na may kalayuan ang nasabing detachment kaya hirap din ang iba pang mga sundalo na makarating sa lugar para rumesponde.

Giit nito na ang insidente sa New Tubigon, Sibagan  sa Agusan del Sur ay kanilang maituturing na kauna unahang pag-atake ng NPA. EUNICE C.

Comments are closed.