MGA SUPER TYPHOON POSIBLE PAG NAGSIMULA NA ANG LA NINA

Sa oras  na magsimula na ang La Nina pheno­menon, maraming nararanasan na super typhoons sa huling quarter ng taon o tuwing mga buwan ng Setyembre, Oktubre, Nobyembre, at Disyembre.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), posible na apat hanggang pito pa ang inaasahang bagyo na papasok sa bansa bago matapos ang taon, at partikular na pinalakas na mga hangin at maraming pag ulan ang posibleng  epekto ng La Nina phenomenon sa bansa.

Paliwanag ng Pagasa, kapag may active na weather system na umiiral, maaari aniya itong rain bearing, tropical cyclones, kaya ang ibig sabihin hindi man malakas ang hangin ay maaari namang malakas o marami ang mga ibubuhos nitong ulan.

Dagdag ng state weather bureau, pwede rin namang  super typhoon ito na magdadala ng malalakas na pag ulan sa bansa.

Binanggit din ng Pagasa na dahil sa La Niña inaasahan ang 3 hanggang 4 na bagyo sa ilalim ng kategoryang typhoon at super typhoon na maa­aring maranasan ngayong taon.

Posible rin na magsimula na ang La Niña ngayong Setyembre. Ito aniyang mga pag ulan na kasalukuyang nararanasan sa ilang bahagi ng bansa ay bunsod  ng easterlies o ang mainit na hangin mula sa karagatang Pasipiko.

Ma. Luisa Macabuhay-Garcia