PINAALALAHANAN ng Las Piñas City Health Office (CHO) ang mga residente ng lungsod na bumisita sa kani-kanilang barangay health centers upang mapabakunahan ang kanilang mga anak laban sa polio, mumps measles, Ger-man measles at iba pang mga sakit.
Sinabi ni Las Piñas City Mayor Imelda ‘Mel’ Aguilar, bagama’t abala ang lokal na pamahalaan sa pagsasagawa ng screening at contact tracing sa mga residente na nakasalamuha ang isang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ay patuloy pa rin naman ang pagbibigay ng bakuna sa mga kabataan lalong-lalo na sa mga bagong panganak na bata.
Hindi naman aniya kinakalimutan ng CHO ang kanilang trabaho sa pagbibigay ng bakuna sa mga bata na isa rin naman itong sandata na makapagbibigay ng proteksyon sa kalusugan ng mga ito lalo pa’t nahaharap ang buong bansa sa krisis pangkalusugan na dulot ng pandemya ng COVID-19.
Sa datos ng CHO sa kanilang update sa virus nitong Hunyo 11, nakapagtala ang lungsod ng 365 kumpirmadong kaso ng COVID-19 habang 32 naman ang namamatay sa naturang virus. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.