MGA TAGA-MAKATI AT PASAY, TUMANGGAP NG GULAY AT BIGAS MULA SA ARMY

Gulay

INAYUDAHAN ng Philippine Army ang 1,500 pamilya mula sa mga lungsod ng Makati at Pasay na apektado ng Enhanced Community Quarantine at nabahaginan ng mga gulay at bigas.

Pinangunahan ng Philippine Army ang pamamahagi ng mga donasyon sa mga residente buhat sa ilang malalaking kumpaniya sa bansa

Kabilang sa mga kompaniyang nagkaloob ng tulong ang Lucio Tan Group of Companies, Jaime Ongpin Foundation gayundin ang Philip Morris

Nasa 1,000 pamilya ang binigyan ng tulong sa Brgy. 156 sa Pasay City habang nasa 500 naman ang nabiyayaan mula sa Brgy. Southside

Nagpasalamat naman si Philippine Army Spokesperson Col. Ramon Zagala sa mga nabanggit na kompaniya lalo’t pinalawig pa ni Pangulong Duterte ang umiiral na ECQ sa buong Luzon

Pagtitiyak pa ng Army, maliban sa pag-alalay nila sa mga kagawad ng Pulisya sa pagtao sa mga Checkpoint, buong lakas din silang tutulong sa iba’t ibang sektor para ihatid ang kani-kanilang ayuda sa mga kababayan. VERLIN RUIZ

Comments are closed.