MPOX UPDATE. Quezon City Mayor Joy Belmonte (center) confirms that the 33-year-old male who is the country’s first case of mpox (monkeypox) visited two establishments, including a spa and a clinic in the city, during a press conference at the city hall on Wednesday (Aug. 21, 2024). Belmonte, flanked by City Health Department Officer-in-Charge Dr. Ramona Abarquez (left) and City Epidemiology and Surveillance Unit head Dr. Rolando Cruz, said stringent contact tracing is underway and that a quick response team has already been formed to prevent the spread of the disease. (PNA photo by Joan Bondoc)
Pinakakalma ng health officials ng Quezon City ang mga residente kasunod ng balitang ang isang 33 taong gulang na lalaking naiulat na kauna-unahang kaso ng MPOX o monkey pox sa bansa ay nagtungo sa dalawang establisimiyento sa lungsod habang may sakit.
Ayon kay Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) Head Dr. Rolando Cruz, hindi maituturing na “high risk” ang isang taong walang “prolonged” or initimate close contact sa isang taong mayroon nito, kung kaya hindi ito airborne na tulad ng Covid 19.
Maaari rin aniya maganap ang transmission nito sa pamamagitan ng palitan ng likido sa katawan bunga ng pagtatalik o simpleng skin to skin contact. Gayom pa man pinapayuhan ang mga taong na-diagnose ng MPOX na mag-isolate sa isang kwarto at siguraduhing huwag ipagamit sa mga kasama sa bahay ang anumang kagamitan nito na tulad ng kumot, linen damit, at iba pang kahalintulad na kagamitan na maaaring maging dahilan ng pagkahawa ng mga ito, bagamat ito ay hindi airborne na tulad ng Covid-19.
Tiniyak ng lokal na pamahalaan ng siyudad na walang dapat ikabahala ang mga residente ng Quezon City, dahil sa naagapan ito at ni-reactivate na rin nila ang quick response team at response protocol hinggil sa naturang sakit na naitatag mula pa noong 2022.
“Mabuti at naging maagap ang naging tugon ng doktor sa pasyente kaya’t naiwasan ‘yung pagkalat pa ng virus. Kasabay nito, patuloy nating paiigtingin pa ang ating sistema sa pagkontrol at pagtugon sa MPOX” sabi ni Mayor Joy Belmonte.
Isiniwalat ni Belmonte sa isang press conference nitong Miyerkoles na ang 33 taong gulang na pasyente ay empleyado ng pamahalaan. Agosto 15 ito nagpakonsulta sa isang dermatologist sa lungsod matapos makitaan ng skin lesions at agad namang trinansport ito sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para sa testing. Noong linggo lumabas ang resulta at nagpositibo ito sa MPOX bago ianunsiyo ng Department of Health (DOH) ang naturang kaso ng Lunes.
Ang pasyente aniya ay hindi taga Quezon City.
Bago nagpakonsulta ito sa dermatologist, nagpamasahe muna ito sa isang spa sa E. Rodriguez noong Agosto 11 kung saan ang pasyente aniya ay nagkaroon ng sexual encounter sa masahista ilang araw matapos itong magkalagnat noong Agosto 8.
Napag-alaman na ang nasabing spa ay walang kaukulang permit kaya pansamantalang ipinasara.
Samantala, ang tatlo sa sampung empleyado nito na nakatira sa Quezon City ay makatatanggap ng financial assistance sa ilalim ng programa ng naturang local government unit (LGU) upang ito ay may panggastos habang ang kabuhayan nito ay pansamantalang apektado sa insidente.
Base sa imbestigasyon ng QC LGU, 41 ang itinuring na contacts ng naturang MPOX-positive patient, at 28 dito ang itinuturing na Type 1 contacts dahil sa mga naganap na sexual activities sa naturang establisimyento. Apat naman sa mga kliyente nito ay nakatira sa Quezon City.
“Iyong masahista na directly humawak doon sa pasyente and then 27 other clients, kinonsider nating Type 1 kasi hindi natin ma-determine allegedly mayroong sexual encounter na nangyari doon sa spa,”sabi ni Cruz.
Ang 28 na itinuring na Type 1 ay isasailalim na 21 araw na quarantine at close monitoring upang maiwasan ang pagkalat nito samantalang ang 13 na indibidwal na itinuturing na Type 2 at 3 ay pinayuhan munang huwag pumasok sa trabaho at magsagawa ng self monitoring.
Sinabi ng lokal na pamahalaan na nasa ilalim ng close monitoring ang mga naturang indibidwal at araw araw na tinatawagan. Wala pa naman aniyang nagpapakita ng sintomas sa mga ito sa kasalukuyan.
Ang naturang pasyente ay sumasailalim sa medical treatment at management. Bagamat itinuturing na ng Wotld Health Organization (WHO) na global health medical emergency na ang MPOX dahil sa pagsulpot na ng mga kaso nito sa iba ibang bansa na nagmula sa Africa, wala naman anyang travel history roon ang 33 taong gulang na pasyente sa Pilipinas.
Bagamat anya kahawig ng bulutong ang naturang sakit, sinabi ni Cruz na huwag daw tularan ang nakaugalian na hinahanggad na iba na magkabulutong na upang hindi na anya maulit ito.
“Huwag nating hangarin na tulad ng paniniwala natin sa bulutong na dapat ay magkaroon na para di na maulit.Sabi ng World Health Organization,dalawa ang subtype nito.Yung isa pwedeng self-limiting, pero yung isa pwedeng ikamatay. Yung isa importanteng hindi magprogress lalo na kung may problema sa immune system, dahil yun ang problema ng ibang bansa,”sabi ni Cruz. Dagdag pa niya high risk din maituturing sa sakit na ito ang isang indibidwal na may multiple sexual partner.
Paliwanag ni Belmonte, dahil sa agarang pag aactivate ng response protocol sa mpox, hand ana anya ang mga eksperto na binubuo ng mga doctors, nurses at iba pang medical personnel ng lungsod tumugon dito. Ang RITM ay handa rin I test ang mga specimens na ipapadala dito at ang mga referral hospitals. Sapat din anya ang mga protective equipment at iba pang logistical na pangangailangan ng mga tauhan nito lalo na sa contact tracing.
Samantala, pinayuhan naman ng mga eksperto sa QC Health Department, ang mga residente ng lungsod na sundin ang mga health protocols na itinakda ng Department of Health (DOH) tulad ng madalas na paghuhugas ng kamay, pag iwas sa mga taong nagpapakita ng naturang sintomas o direktang contact dito sa sugat, body fluids at sputum nito.
Ma. Luisa Macabuhay-Garcia