(Mga tagahanga nagtataka) BAKIT ‘DI NA GINAGAMIT NG SB19 ANG PANGALAN NG KANILANG GRUPO?

Ni MA. LUISA M. GARCIA

Nagtataka ang A’tin na fandom ng number 1 Filipino boyband, Southeast Asian superstars at iti­nuring na kings of Ppop na SB19 kung bakit hindi na ginamit ang pangalan ng kanilang grupo ng sila ay ipinakilala sa isang show at sila ay nagpakilala na lamang sa indibidwal nilang mga pangalan sa pinakahuli nilang performance sa Butuan City bilang endorser ng isang Filipino service brand ng telecommunications nitong nakaraang linggo.

Umingay sa X (dating twitter) ang haka haka ng fans na baka umano ang dahilan ng hindi nila paggamit ng pangalan nilang SB19 ay may kinalaman sa Showbt na isang Korean company na siyang nagbuo sa naturang grupo. Ang kontrata nila rito ay nagtapos kamakailan at agad silang nagtatag ng sarili nilang kompanya na IZ Entertainment kung saan sila ay self-managed artists na ngayon. Maging sa Youtube ay hindi nakaligtas sa ilang channels ang pagtalakay sa pagdududa sa tunay na dahilan ng hindi paggamit ng SB19 sa kanilang appearance.

Naging isang malalim na palaisipan sa kanilang mga tagahanga na nakapansin maging sa latest pubmat o publication materials para sa mga events o kaganapan ng kanilang grupo na Fusion o TM Tambayan kung saan ay ang salitang “Mahalima” na ang gamit sa Fusion at indibidwal naman nilang mga pangalan ang ginamit nila sa kanilang mga sarili, maging sila ay ipinakilala sa TM Tambayan. Maging sa song cover ng “Moving Closer” ni Ken o Felip bilang solo artist, na sa ilalim na record label na Warner Philippines ay pinalitan niya ang dating nakalagay ditong pangalan ng SB19 at inilagay ang indibidwal na pangalan ng kanyang mga kagrupo.

Mapapansin din sa mga personal social media accounts ng mga miyembro ng naturang grupo partikular sa Tiktok na wala na rito ang dating nakalagay na SB19. Maging sa kanilang One Zone expo makikita sa wall ang nakasaad na “redesign SB19 logo”.

Ang SB19 ay kasalukuyan nasa ilalim ng sarili nilang itinatag na management company na IZ Entertainment, pero ang kanilang pangalan bilang SB19 at logo pala ay nananatiling nakarehistro pa rin sa Showbt Philippines Corporation at mag e-expire sa January 3,2031.

of press time, wala pang kumpirmasyon o pagpapaliwanag mula sa grupo ng tunay na dahilan ng tila pag-iwas nila sa paggamit ng pangalan nilang SB19 sa mga latest events kung saan sila ay nakilala bilang international artists.

“Knowing you guys are always there for us,kahit pa mahirap yung pinagdadaanan namin. Kasi as human beings, hindi naman maiiwasan ang mga ganu’ng bagay.But still, you guys are always there for us.So thank you so much,” ang sabi ni Ken Suson sa isang mensahe sa TM event nila.

“….Alam naming magiging worth it ang lahat. At mapapasaya kami syempre.Sino pa ba, kundi inyong A’tin. Kayo ang magpapasaya sa amin. Mula noon hanggang ngayon, kayo ang nagpapasaya sa amin…..Habang buhay magkakasama tayo at sa habangbuhay andito ang Mahalima (ang tawag ng A’tin sa SB19 na ang ibig sabihin ay Mahal ang Lima),” ito ang madamdaming nasabi ni Josh Cullen sa kanilang performance bago awitin ang “Liham” sa naturang event.

“Marami na tayong pinagsamahan.Alam naming habang buhay magpapatuloy tayo. Habang buhay andyan kayo para sa amin.At habang buhay, nandito rin kami para sainyo,” ang patuloy na sinabi ni Cullen.