NILINAW ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na makakasama na ang hanay ng mga barangay tanod sa mabibigyan ng emergency cash subsidy sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan sa gitna ng pagkalat ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay DSWD Undersecretary Camilo Gudmalin, sa kasalukuyan ay allowance o honorarium lamang ang natatanggap ng mga barangay tanod.
Ipinaliwanag ng opisyal na ito ang dahilan kung bakit binago agad ng kagawaran ang sinusunod na omnibus guidance upang maisama ang hanay ng barangay tanod sa inaabangang SAP.
Batay sa naunang ipinalabas na guidelines, kabilang sa target beneficiaries ng naturang programa ay mga persons with disability, buntis, solo parents, distressed OFWs, underprivileged sector at homeless families, mga manggagawa sa informal sector o self-employed, rice farmers at iba pang mahihirap o maralitang pamilya.
Sa programang ito, makakatanggap na ang benepisyaryo ng P5,000 hanggang P8,000 sa loob ng dalawang buwan. BENEDICT ABAYGAR, JR
Comments are closed.