IKOKONSIDERANG authorized person outside residence (APORs) sa gitna ng umiiral na Enhanced Community Quarantine ang mga tatawid sa border na mga may medical at humanitarian reasons.
Ito ang tiniyak kahapon ng Philippine National Police kaugnay sa bagong listahan ng exempted sa pagbabawal tumawid sa border.
Ayon sa PNP, papayagan nila ang mga tao na ang dahilan ng pagbibiyahe ay health-related at iba pang medical reasons para tumawid sa mga strict border control points na tinatag sa Metro Manila at apat na kalapit na lalawigan.
Sa pahayag ni PNP Chief Police General Guillermo Lorenzo Eleazar, ang mga taong nagbibiyahe para sa health at iba pang medical-related reasons, mga biyaheng may kaugnayan sa family emergencies, ay klinaklasipika bilang other APORs, o Authorized Persons Outside Residence.
Ang APORs ay una nang klinasipika sa dalawang kategorya; Worker-APOR na pinapayagang na makalabas at tumawid ng border dahil sa pagiging empleyado ng businesses and industries na pinapayagan sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ), at Customer-APOR na pinapayagang makalabas para makabili o makakuha ng goods and services ng mga businesses and permitted industries subalit hindi pinapayagang makatawid ng border.
Ang other APORs ayon kay Gen Eleazar ay ang mga tao na maglalakbay dahil sa medical and humanitarian reasons.
“Kasama sa other APORs ang mga kababayan nating may appointment sa mga doktor at ‘yung mga kababayan nating kailangang umuwi dahil namatayan ng immediate family members, o may mangan-ganak na asawa at iba pang mga kadahilanan na parte ng ating kulturang Pilipino,” paliwanag pa ni PGen Eleazar. VERLIN RUIZ
Comments are closed.