Nag- isyu ang Paranaque City Regional Trial Court (RTC) ng hold departure order (HDO) laban sa dalawa upang mapigilang makalabas ng bansa at kaharapin ang kinasasangkutang kasong murder.
Ayon sa report, natanggap ng Bureau of Immigration ang naturang HDO noong April 25, kung kayat agad na ipinag-utos ng pamunuan sa kanilang mga tauhan na maging mapagmatyag para hindi malusutan ng mga suspek.
Batay sa impormason mula sa Department of Justice (DOJ) ang dalawa ay ang primary suspect sa pagpatay sa dating broadcaster na si Percy Lapid habang papauwi sa kanyang bahay sa Paranaque City.
Bukod sa BI personnel sa NAIA, inabisuhan na rin ang immigration officers na nakatalaga sa ibat-ibang puwerto na maging alerto.
Matatandaan na noong December 2022, nagpalabas ang immigration ng look out bulletin laban sa dalawang akusado. Froilan Morallos