MGA TAUHAN NG QC LGU MULING SINANAY SA ANTI-DANGLING OPERATION

SUMAILALIM sa isang refresher course ang mga tauhan ng Quezon City Task Force on Anti-Dangling Wires, Roads, Bridges, and Drainage Maintenance Division sa pagsasagawa ng anti-dangling operation.

Alinsunod na rin ito sa pinaigting na hakbang ng Metro Manila Council laban sa mga sala-salabat na mga kable ng kuryente sa NCR.

Pinangunahan ng Quezon City Engineering Department ang ginawang pagsasanay sa Barangay Masambong kung saan kasama sa programa ang theoretical sessions sa electrical safety at mga istratehiya para maresolba ang mga nagkalat na spaghetti wires sa naturang brgy.

Nagkaroon din ng practical session partikular ang on-site anti-dangling exercises.

Matatandaang nagkasundo na ang Metro Manila Council na magpasa ng isang resolusyon kung saan ang bawat LGU sa Metro Manila ay magpapasa ng kani-kanilang ordinansa laban sa anti-dangling wires.

Sa bisa ng ordinansa, makikipag-ugnayan ang bawat LGU sa Meralco, at Telcos upang tukuyin kung alin sa mga wires ang hindi na kailangan at maaari nang tanggalin.
P ANTOLIN