INALERTO ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang kanilang mga tauhan sa mga paliparan sa Northern Luzon bilang paghahanda o precautionary and safety measure sa pagdating ng tropical cyclone Henry sa susunod na mga araw.
Ayon kay CAAP spokesman Eric Apolonio, ang kanilang mga airport ay maaring mahagip sa paparating na pinakamalakas o tinatawag na super typhoon Henry, kung kayat pinaghahanda nila ang mga ito upang maiwasan ang possible damages kapag pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Batay sa forecast ng PAGASA, ang super typhoon ay hindi inaasahan na magla-landfall sa bansa, ngunit sa kabila nito inatasan ang mga kawani ng Northern Luzon airports partikular na ang sa Itbayat at Basco na magsimula nang i-relocate ang kanilang communication and navigation equipment sa mas ligtas na lugar.
Ipinag-utos din sa kanilang mga tauhan na alisin ang mga marker at wind cone sa mga runway.
“Our airports here in the north are well-prepared. Our airport staff have been well-advised and trained to prepare for these circumstances, so we are strongly hoping that there will be no major damages to our airports,” dagdag pa ni CAAP Area Center 2 Manager Sulyn Sagorsor. FROILAN MORALLOS