MGA TIANGGE IPASASARA KAPAG NABIGONG MAGPATUPAD NG HEALTH PROTOCOLS VS COVID-19

Divisoria

NAGBABALA kahapon ang Malakanyang na ipasasara ang mga tiangge na mabibigong magpatupad ng health protocols na inilatag laban sa COVID-19.

Ginawa ng Palasyo ang pahayag kasunod ng pagdagsa ng mga mamimili sa Divisoria sa Maynila at iba pang establisimiyento dahil sa papalapit na Pasko.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na maaaring ipasara ang mga tiangge kapag hindi nakontrol ng mga may-ari ang mga tao at hindi sinusunod ang isang metrong distansiya sa bawat customer at maging sa kanilang mga tauhan.

Responsibilidad naman, aniya, ng mga lokal na pamahalaan ang pagkontrol at pagpapaalala sa mga tao sa mga tiangge na nasa open area o gilid ng kalsada.

Pinaalalahanan din ni Roque ang publiko na sumunod sa minimum health standards para protektahan ang kanilang mga sarili laban sa COVID-19.

Nakapanghihinayang, aniya,  na mawalan ng saysay ang kabuhayan at planong kasayahan kasama ang pamilya kung magkakasakit naman.

Comments are closed.