(Mga tinamaan ng ASF) P10K BAYAD-PINSALA SA HOG RAISERS

ASF-10

TATANGGAP ang mga hog raiser ng P10,000 bayad-pinsala bawat ulo ng mga pinatay na baboy dahil sa African swine fever (ASF) sa ilallm ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC).Ayon sa Department of Agriculture (DA), ang mga pork producer ay tatanggap ng 100 percent indemnification at hindi lamang  P5,000 tulad ng unang inilaan ng ahensiya.

“The backyard hograiser is free from paying premiums. However, they have to list themselves with the famers registry or the RBCSA (Registry System for Basic Sectors in Agriculture),” sabi ni DA Secretary William  Dar.

“Minabuti natin sila (PCIC) ang totoka dito sa pagbibigay ng indemnification…para ang backyard hog raisers mababayaran na ng 100 percent. Dati P5,000 lang kada ulo, this time around, they will be paid P10,000.”

Makikipag-ugnayan ang DA sa mga lokal na pamahalaan para sa information campaign nito sa registry ng mga hog raiser.

Ayon pa kay Dar, ang mga commercial hog raiser ay kailangang magbayad ng premium na P225 kada ulo at isa-subsidize ng ahensiya ang 22 percent nito.

“‘Pag may apektado at naka-insure sila, P10,000 for fatteners kada ulo, ‘yung breeders P14,500, ‘yung parental stocks nila ay P34,000 per head so mas attractive po itong insurance arrangement this time around,” dagdag ng kalihim.

19 thoughts on “(Mga tinamaan ng ASF) P10K BAYAD-PINSALA SA HOG RAISERS”

  1. 438942 209255I always pay a visit to your weblog and retrieve everything you post here but I never commented but today when I saw this post, I couldnt stop myself from commenting here. Amazing write-up mate! 169862

Comments are closed.