MGA TINDAHAN NG PAPUTOK GINALUGAD

tindahan ng paputok

BULACAN – BILANG bahagi ng pagpapaigting ng seguridad laban sa mga ilegal na paputok, ininspeksiyon ni Philippine National Police (PNP) Chief, DG Oscar Alba­yalde ang mga tindahan ng paputok at pailaw sa Barangay Turo, Bocaue.

Sa kanyang paggalugad sa nasabing lalawigan, iniharap sa kanya at sa iba pang police officials ang iba’t ibang uri ng malalakas na paputok.

Kabilang sa ipinakita kay Albayalde at sa media ang Goodbye Philippines, pla-pla at Big Dynamite at iba pa na una nang ipinagbawal.

Sa panayam kay Albayalde, sinabi nitong sa kanyang inspection ay wala siyang nakitang iregularidad sa mga tindahan ng mga paputok.

“Nakita ko naman nakaka-comply ang mga tindahan subalit hindi dapat magpakampante dahil dapat din ang extra na pag-iingat upang maiwasan ang disgrasya,” ayon kay Albayalde.

Mariin din ang bilin ni Albayalde sa publiko na iwasan ang paggamit ng malalakas na uri ng paputok sa halip tangkilikin ang mga paputok na may tatak ng Department of Trade and Industry. THONY ARCENAL

2 thoughts on “MGA TINDAHAN NG PAPUTOK GINALUGAD”

Comments are closed.