HELLO everyone! Ito po ang AskUrBanker. Tuwing Sabado, ako po ang inyong makakasama, ang inyong Kuya Mark, at ako po ang tutulong sa inyong humanap ng kasagutan sa inyong mga question marks about banking.
Ngayong Sabado, ating pag-usapan ang tungkol sa TAMA AT RESPONSABLENG PAGLO-LOAN.
Alam naman natin na may mga pagkakataon na tayo ay nangangailangang mangutang o mag-loan. Maaaring ito ay para makakuha tayo ng sarili nating bahay, sasakyan, o kaya naman ay makatulong sa iba pang gastusin tulad ng tuition. May iba’t ibang klase ng facility para tayo ay makapag-loan sa mga institutions tulad ng mga bangko. Nandiyan ang mga loans tulad ng housing, car, business at salary loans – mga loan services na kayang i-address ang inyong pangangailangan.
Sa Asia United Bank o AUB, isa sa loan facilities na available ay ang CASHELP o Corporate Autos, Salary, Housing, Employee Loan Program – isang paraan ng paghiram sa bangko ng mga empleyado ng accredited companies ng AUB.
Pero paano ba ang tamang paggamit ng mga loan facility na ito?
- HUWAG MANGUTANG NG HIGIT SA KAKAYAHANG BAYARAN
Manghiram lamang ng tamang halaga para sa paggagamitan at sa kayang bayaran. Ito ay upang masigurado na hindi tayo magkaproblema kapag dumating na ang araw ng pagbabayad ng ating amortization.
- MANGHIRAM LANG NG AYON SA PANGANGAILANGAN
Siguraduhing may paggagamitan ng iyong hiniram. Ilaan ang loan facility para sa mga pangangailan. Huwag manghiram ng para lamang sa luho.
Be a responsible loan borrower. At ugaliing kumonsulta sa ating friendly AUBankers kung may katanungan tungkol sa pagbabangko.
Alamin din ang iba’t iba pang products at services ng AUB sa www.aub.com.ph o kaya naman ay i-follow ang AUB sa Facebook (AUB.official) o sa Twitter/Instagram at YouTube (AUBofficialph).
Remember, it is always best to AskUrBanker! Hanggang sa susunod.
Comments are closed.