MGA TIPS SA RESPONSABLENG PAGLO-LOAN

AskUrBanker Column Head

HELLO everyone! Ngayong Sabado, ating pag-usapan ang tungkol sa TAMA AT RESPONSABLENG PAGLO-LOAN.

Alam naman natin na may mga pagkakataon na tayo ay nangangailangang mangutang o mag-loan. Maaaring ito ay para makakuha tayo ng sarili nating bahay, sasakyan, o kaya naman ay makatulong sa iba pang gastusin tulad ng tuition. May iba’t ibang klase ng facility para tayo ay makapag-loan sa mga institution tulad ng mga bangko. Nandiyan ang mga loan tulad ng housing, car, business at salary  – mga loan services na kayang i-address ang inyong pangangaila­ngan.

Sa Asia United Bank o AUB, isa sa loan facilities na available ay ang CASHELP o Corporate Autos, Salary, Housing, Employee Loan Program – isang paraan ng paghiram sa bangko ng mga empleyado ng accredited com-panies ng AUB.

Pero paano ba ang tamang paggamit ng mga loan facility na ito?

1.HUWAG MANGUTANG NG HIGIT SA KAKAYAHANG BAYARAN.

Manghiram lamang ng tamang ha­laga para sa paggagamitan at sa kayang bayaran. Ito ay upang masig-urado na hindi tayo magkaproblema kapag dumating na ang araw ng pagbabayad ng ating amortization.

2. MANGHIRAM LANG NG AYON SA PANGANGAILA­NGAN.

Siguraduhing may paggagamitan ng iyong hiniram. Ilaan ang loan facility para sa mga pangangaila­ngan. Huwag ­manghiram ng para lamang sa luho.

Be a responsible loan borrower. At ugaliing kumonsulta sa ating friendly AUBankers kung may katanungan tungkol sa pagbabangko.

Alamin din ang iba’t iba pang pro­ducts at services ng AUB sa www.aub.com.ph o kaya naman ay i-follow ang AUB sa Facebook (AUB.official) o sa Twitter/Instagram at YouTube (AUBofficialph).

Hanggang sa susunod.

Comments are closed.