MGA TIRADOR NA MENOR ARESTADO

ARRESTED

DAVAO CITY – SA pasilidad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang bagsak ng apat na kabataan na sangkot sa P200,000 robbery case at iba pang kaso ng pagnanakaw nang maaktuhang nagnanakaw sa isang tindahan sa lungsod na ito.

Ayon sa Davao City Police, ang apat ay pawang edad 10, 13 at 16 na sangkot sa ilang kaso ng mga pagnanakaw bago pa matiyempuhan ng mga aw-toridad.

Lumitaw sa imbestigasyon na isang ­esta­blisimiyento ang pinasok ng mga menor na suspek pero agad silang nahuli matapos ma-monitor ang isa sa kanila na pumapasok sa pamamagitan ng butas sa kisame.

Sinasabing posibleng ang grupo ring ito ng mga kabataan ang nasa likod ng serye ng panloloob sa iba pang business establishments nitong nag-daang mga araw.

Nabatid na ang dalawa sa apat na menor de edad ay mayroon nang rekord sa Sta. Ana Police station dahil sa pagnanakaw ng P200,000 na ha­laga.  VERLIN RUIZ

Comments are closed.