ANG mga Chinese nationals ang una sa listahan ng may pinakamaraming na-deport na dayuhan mula 2016 hanggang 2018.
Batay sa datos ng Bureau of Immigration (BI), aabot sa 1,510 Chinese nationals ang naipatapon nila pabalik sa kanilang bansa sa nakalipas na dalawang taon.
Ayon sa Immigration, noong 2016 ay 40 Tsino ang kanilang ipina-deport; 1,248 noong 2017; at 222 naman mula Enero hanggang Oktubre ngayong taon.
Giit ni BI Spokesperson Dana Sandoval, ito’y nangangahulugan na walang ‘special treatment’ na ibinibigay ang gobyerno sa mga Chinese nationals na napatutunayang lumabag sa batas.
Samantala, pangalawa naman sa listahan ang mga South Korean nationals habang pasok din ang Indians, Americans, Japanese, Australians, Taiwanese, Canadians, British nationals, Malaysians at Singaporeans. DWIZ882
Comments are closed.