Bagamat aminadong bumaba ang produksyon ng asukal mula sa 130,000 metriko tonelada (MT) noong isang taon sa kaparehong panahon sa halos 5,000 MT lamang na inani sa panahon ngayon ng anihan dahil sa mga nabansot na tubo sanhi ng El Nino, tiniyak ng grupo sa sugar industry na sapat pa rin ang magiging lokal na suplay nito.
“Natamaan talaga tayo ng El Nino noong nakaraan and we felt it during the start of the harvest season.Kasi po same period last year, first three weeks ng milling last year, we produced 130,000 metric tons of sugar cane.
Itong taon pag- umpisa namin, isip namin tatlong linggo three weeks, yung hinarvest po 5,000 tons lang po.So meaning, maiksi yung tubo, and very scarce.It was badly hit by El Nino.Nabansot, tinatawag namin ngayon na bagong variety.Yung bagong variety po unano,” ayon kay Manuel Mata,President ng United Sugar Producers Federation (UNIFED) sa isang radio interview ngayong Lunes.
Dahil dito nagkulang ang suplay ng asukal dahil hindi kaagad nakapag -ani ang mga magsasaka.
Aminado ang naturang lider ng UNIFED na bumaba ang suplay ng asukal lalo na ang mga nagmula sa Negros Occidental dahil sa naantalang miling season bunga ng nasabing phenomenon.
Noong September 15 pa aniya dapat nakatakda ang simula ng milling operations ng mga asukal, ngunit, may ilang sugar farmers sa Negros Occidental ang hindi pa handang mag- ani ng kanilang mga patubo.
“Kung sino po ang area na natamaan po talaga ng El Nino, which is Negros Occidental.65 percent of the sugar comes from this island.Kami pala talaga ang natamaan,”sabi ni Mata.
“Rest assured po, wala tayong problema sa supply ng sugar. Hindi tayo aangkat.Kayang kaya ng industry na suplayan ang Pilipinas po,”sabi ni Mata.
Sanay na rin aniya ang sugar farmers sa mga hamon na kahalintulad nito sa industriya dahil sa pagiging resilient ng mga lokal na magsasaka.”Ang problema dito po yung mga maliit.Yung binigyan ng mga CLOA (Certificate of Land Ownership Awards). Sila po ay hindi handa magkaroon ng mga ganitong catastrophe.Kasi po dati consolidated farms yan.Yung consolidated farms may mga irrigation, may mga traktora.Kumpleto sila ng mga gamit.So we can withstand catastrophes like this.But yung mga maliit po yun ang mga kawawa,” dagdag ni Mata.
Sa ngayon ay nakapag- angkat na ang DA ng 240 MT ng imported na asukal upang tugunan ang kakulangan ng naantalang produksyon ng lokal na asukal. Ma. Luisa Macabuhay-Garcia