MGA TURISTA BAWAL SA PH

BAWAL ang mga turista, habang ang Metro Manila at karatig na mga lalawigan sa loob ng bubble plus ay nakasailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ), ayon sa pahayag ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente.

Ito ay bilang pagsunod sa kautusan ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases tungkol sa ipinatutupad na travel restriction laban sa mga dayuhan upang maiwasan ang pagkalat sa bansa ng bagong variant ng covid-19.

Ayon kay Morente, “Foreign tourists are still prohibited from entering the country and said restriction remains effective until it is lifted by the IATF (Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases).

Ngunit aniya, ang travel restriction na ito ay para lamang sa mga dayuhan na nagnanais bumisita sa bansa bilang turista, at hindi kasama ang mga dayuhan na mayroong existing immigrant at non-immigrant visa.

At maging ang mga foreigner na holder ng valid and existing Special Resident and Retirees Visa (SRRV) o temporary visitors’ visas at kinakailangang magprisinta ng entry exemption document na galing sa Department of Foreign Affairs sa kanilang pagdating sa bansa.

Ang mga foreign diplomat at miyembro ng international organizations ay required na magprisinta ng pre-booked accommodation ng pitong araw sa accredited quarantine hotel, kung saan sila susuriin para sa COVID-19 sa ikaanim na araw mula sa kanilang pagdating.

Samantala, ipinagbabawal din ng IATF ang mga pasaherong galing India, o iyong tinatawag na may travel history sa India sa loob ng 14 na araw pagdating sa Filipinas. FROILAN MORALLOS

4 thoughts on “MGA TURISTA BAWAL SA PH”

Comments are closed.