DAHIL sa sunod-sunod na mga bagyong tumama sa bansa, marami sa ating mga kababayan ang nawalan ng access sa inuming malinis na tubig.
Sa tulong ng mga water tankers, water bladders at water filtration units na ipinadala sa mga apektadong lugar, ang Philippine Red Cross (PRC) ay patuloy na nagbibigay ng malinis na tubig sa mga residente na naapektuhan ng Bagyong Julian, Kristine, Marce, Nika, Ofel at Pepito.
Nagsasagawa rin ng mga hygiene promotional activities ang mga PRC volunteers at staff, lalo na sa mga bata na pansamantalang naninirahan sa mga evacuation center sa iba’t ibang lalawigan.
“Kung saan man may nangangailangan, kami ay laging nariyan” ayon sa PRC.
RUBEN FUENTES