MGA WORKER SA INDIA PINAG-IINGAT

DFA

PASAY CITY – PINAALALAHANAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga manggagawang Pinoy sa India na mag-ingat at huwag makihalo sa usapin ng politika lalo na’t halalan na roon.

Ito ay kasunod ng pagkatala ng apat katao ang nasawi sa pagsisimula ng halalan sa nasabing bansa.

Ayon sa pulisya, dalawa katao na nagtatrabaho sa Andrha Pradesh ruling party na Telugu Desam ang nasawi sa naganap na kompron­tasyon sa mga supporter ng regional opposition party.

Isang election official din ang patay ng ata­kihin ito ng mga suspected insurgent sa northeast India at isa ang napatay ng mga government forces.

Isinasagawa ang halalan sa 18 Indian states at dalawang Union Territories sa gagawing seven-phase election sa loob ng anim na linggo na magtatapos sa Mayo 19 at ang bilangan naman ay isasagawa sa Mayo 23.

Aabot sa 900 million eligible voters ang inaasahang lalahok sa halalan.

Magiging mahigpit ang laban sa pagitan nina Bharatiya Janata Party na pinamumunuan ni Prime Minister Narendra Modi at Rahul Gandhi.  AIMEE ANOC

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *