MADALAS, umiinom tayo dahil na-promote sa trabaho at lumaki ang sweldo o kaya naman nakakumisyon ng malaki. In other words, nagkapera kaya nag-alak. E kung baligtarin kaya natin? Yung nag-alak muna bago yumaman. Pwede!
Maraming naging matagumpay sa buhay kaya hindi naman kataka-takang marami ring nagse-celebrate at umiinom ng alak – kaya hindi rin kataka-takang mabenta ang alak kahit saang lugar. Isa sa pinakasiguradong negosyo sa mundo ay pagbebenta ng alak. Kahit nga sa Pilipinas, makikita mo sa kanto ang mga lasenggo. Hindi rin nawawala sa mga birthday ang inuman – kahit walang pulutan. Kaya naman marami ring producer ng alak ang yumaman. Heto ang mga yumaman dahil sa alak.
JORGE PAULO LEMANN – Isa pang booze billionaire ay si Jorje Paulo Lemann, na parehong Brazil at Swiss citizen. Siya ang 65th richest person in the world, na may net worth na $18.7 billion. Sikat siya sa kanyang talino at galing bilang investment banker. Nagsimula siyang investment banker pero kalaunan ay naging controlling shareholder ng Anheuser-Busch InBev.
FRANCOIS PINAULT – Ang Luxury brand group ‘Kering’ ay nasa pamumuno ni French billionaire Francois Pinault. Siya rin ang pinuno ng Artemis investment company. Isa siya sa pinakamayamang businessmen at investor sa buong mundo.
Nagsimula ang kanyang kumpanya noong 1963 bilang wood and timber company pero pinalitan niya ito noong 1999. Ngayon, pag-aari na niya ang maraming fashion brands at booze brands. Investor din siya sa Gucci, at ang kanyang anak na lalaki naman ay namumuno sa sports brand na Puma. May net worth siyang $29.7 billion.
CHARLENE DE CARVALHO-HEINEKEN – Isinilang si Charlene de Carvalho-Heineken noong 1954 sa Amsterdam, Netherlands, mula sa Dutch-British origins. Anak siya ni Freddy Heineken, isang Dutch industrialist, at Lucille Cummins, galing sa pamilya ng mga Kentucky na nagmamay-ari ng Bourbon whiskey distillers. Siya ang nagmamay-ari ng Heineken International, isa sa pinakamalaking brewers sa buong mundo.
Pag-aari niya ang 23 percent ng Heineken International at siya rin ang executive director ng kumpanya. Walang kaduda-dudang siya ang pinakamayaman sa Netherlands sa pagkakaroon ng $16.3 billion.
JACK MA – Isinilang si Jack Ma Yun, o Jack Ma, sa Hangzhou, China noong 1964. Ngayon, isa na siya sa pinakamayamang tao sa buong mundo. Nagsimula siya bilang English teacher hanggang maging may-ari ng sikat na e-shopping site na Alibaba. May negosyo rin siyang alak at iba pang inumin sa China. May net worth siyang $37.3 billion.
BERNARD ARNAULT – Naging pinakamayaman sa buong mundo si Bernard Arnault nito lamang May 2021 sa pagkakaroon ng net worth na $186.3 billion. Isinilang siya bilang Bernard Jean Étienne Arnault noong 1949.
Yumaman siya sa pagkakaroon ng kumpanya ng alak at marami pang iba. Siya ang CEO at chairman ng French Conglomerate of luxury brands na LVMH. Kanya rin ang champagne brands tulad ng Dom Perignon, Moët & Chandon, Krug, Veuve Clicquot, Hennessy, at Château d’Yquem. Mula 1989, pinamunuan din niya ang mga sikat na fashion brands kasama na ang Louis Vuitton, Dior, at Fendi.
Sa mahal at pagiging sikat ng mga ginagawa nilang alak, hindi kataka-takang maging napakayaman niya.
CHAROEN SIRIVADHANABHAKDI – Isinilang naman si Thai business magnate and investor Charoen Sirivadhanabhakdi noong 1944 sa Bangkok, Thailand. Tindera ang kanyang ina sa kalsada, pero gumawa siya ng paraan upang yumaman. Siyan a ngayon ang may-ari ng sikat na Thai Beverage, na largest producer ng beer at alak sa Thailand. Sikat ang Thai Beverage sa mga produktong tulad ng Chang beer at Sang Som rum. Pag-aari niya ang 60 percent ng Thai Bev sa Thailand, at ang net worth niya ay $16.8 billion. JAYZL VILLAFANIA NEBRE