MGCQ SA BUONG BANSA (Target ng Palasyo)

Presidential Spokesman Harry Roque

INAMIN ni Presidential Spokesman Harry Roque na target ng Malakanyang na maisailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang bansa subalit mahalagang makitang mabuti ang tinatawag na attack rate na siyang magdedetermina ng mga susunod na quarantine classification.

Ayon kay Roque, mahigpit na binabantayan ng health authorities ang attack rate o biglang pagtaas ng kaso at ang frequency nito upang mapagdesisyonan ang mas pinaluwag na paggalaw ng publiko o paglalagay sa MGCQ ang lahat ng lugar sa bansa.

”Iyan po ang tinatawag nating goal.Pero whether or not na makakamit po natin ‘yan titignan po natin ang attack rate na siyang magdedetermina. ‘Yung datos ang magde-determine,” giit ni Roque.

Ipinagmalaki ni Roque na noong Nobyembre ay bumaba ang tinatawag na RO, ‘yung reproductive rate na mas mababa sa isa sa Metro Manila na siyang epicenter ng epidemya na  itinatakda ng World Health Organization (WHO).

Ito ayon pa kay Roque ay dahil tama ang ginagawang hakbang ng health authorities at local government units.

“So, we are doing something right po dahil sa Metro Manila, bagama’t isa tayo sa mga densely populated na area, ay napababa  po natin ang R0 na tinatawag to less than one, bagama’t inaasahan nga natin dahil Pasko, may mga pagtitipon, ay talagang hindi maiiwasan. Pero ang kahan-daan naman po natin ay lahat po ng ating ICU beds, ang ating ICU wards ay sapat-sapat naman po iyan para sa mga pangangailangan ng ating taumbayan. Pero siyempre hindi iyan dahilan para magpabaya, kinakailangan pa rin po mag-ingat,” paliwanag pa ni Roque. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.