MGCQ SA METRO ‘DI PA NAPAPANAHON

KUMBINSIDO si Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher Bong Go na hindi pa napapanahon na ibaba sa modified general community quarantine (MGCQ) ang Metro Manila.

Ipinaliwanag ni Go na iniiwasan ng gobyerno na mapuno muli ang mga ospital dahil mas mahihirapan ang mga may sakit.

Ayon kay Go, dapat protektado ang mga nagkakasakit lalo na ang mga severe at critical cases dahil walang mapupuntahan ang mga ito kung puno ang mga pagamutan.

Inihalimbawa ni Go ang nangyari sa Metro Manila noong Marso hanggang Abril kung saan nalula ang mga ospital dahil sa pagdagsa ng COVID-19 cases.

Sinabi ni Go na nararanasan din ngayon sa ilang probinsiya ang kaparehong senaryo.

Kaugnay nito, muling nanawagan si Go sa gobyerno na mas pabilisin pa ang pagbabakuna kung saan dapat mabilis na ma-deploy ang mga bakuna oras na dumating sa bansa.

Dagdag pa ni Go, dapat magtiwala ang publiko sa bakuna dahil ito lamang ang paraan para makabalik sa normal ang buhay sa bansa habang unti-unting binubuksan ng gobyerno ang ekonomiya.VICKY CERVALES

7 thoughts on “MGCQ SA METRO ‘DI PA NAPAPANAHON”

  1. 593720 376984Hello. Cool article. Theres an concern with the site in internet explorer, and you may want to test this The browser will be the marketplace chief and a large element of other folks will miss your wonderful writing due to this dilemma. 797354

Comments are closed.