MGCQ SA NCR SA PEBRERO (Irerekomenda ng DTI)

secretary ramon lopez-9

Itutuloy ng Department of Trade and Industry (DTI) ang planong irekomenda na maibaba sa mas maluwag na modified general community quarantine (MGCQ) ang Metro Manila sa susunod na buwan.

Ito ang inihayag ni Trade Secretary Ramon Lopez, kung magpatuloy pa rin  ang nakikitang improvement o pagbuti sa naitatalang kaso ng COVID-19 sa National Capital Region.

Ayon kay Lopez, nakahanda ang economic team at halos lahat ng miyembro ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na suportahan ang pagsasailalim na sa MGCQ ng NCR.

Binigyang diin ng kalihim, kinakailangan lamang ang mahigpit na pagsunod ng publiko sa umiiral na health protocols para maipagpatuloy ang balanse sa pagitan ng ekonomiya at kalusugan.

Dagdag ni Lopez, hindi na kakayanin pa ng Filipinas ang magbalik sa mas mahigpit na lockdown dahil magreresulta ito sa lalong pagbagsak ng ekonomiya at pagkawala ng mga trabaho.

Magugunitang noong Biyernes, niluwagan na ng IATF ang age restrictions sa mga maaaring makalabas ng kanilang bahay sa mga lugar na nasa ilalim ng MGCQ. DWIZ882

Comments are closed.