MIAMI OPEN: WILD CARD KAY EALA

Alex Eala

MAGKAKAROON ng pagkakataon si Filipino tennis sensation Alex Eala na magpakitang-gilas sa mas malaking torneo nang makakuha ng wildcard entry sa Miami Open ngayong taon.

Si Eala ay ranked 736th sa mundo, ayon sa Women’s Tennis Association rankings na ipinalabas noong Lunes. Ito ang kanyang career-best ranking sa kasalukuyan magmula nang makapasok sa top 1,000 list ng best female tennis players sa buong mundo noong Enero.

Inanunsiyo ng mga tournament organizer ang wildcard entry ni Eala sa 2021 Miami Open kahapon kung saan sasamahan niya ang limang iba pang female tennis players na nabigyan ng wildcard slots sa qualifying singles’ draw.

“Looking forward to an awesome experience,” pahayag ni Eala sa kanyang social media page.

Ang 2021 Miami Open ay nakatakda sa March 22 hanggang April 4 sa Hard Rock Stadium sa Miami Gardens, Florida.

3 thoughts on “MIAMI OPEN: WILD CARD KAY EALA”

  1. 524835 753691I was searching at some of your articles on this website and I believe this internet web site is truly instructive! Maintain on posting . 2966

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *