MICHAEL V MAY MGA FOOD BUSINESS NA PINAMAMAHALAAN NG ASAWA

MALIBAN sa pagiging komed­yante kung saan dalawang programa niya ang patok sa televiewers ang entra eksena“Pepito Manaloto” opposite Manilyn Reynes at dekada ng “Bubble Gang” ay pinasok na rin ni Michael V ang food business katuwang ang misis na si Carol.

“Asawa ko ang mayroong investments. Si misis mahilig sa food business, e. At this point mayroon ka­ming tatlong pinasukan na mga franchise. Bukod pa sa Mr. Donut na ginagawa ko, there’s this whole day breakfast na Milky and Sunny, medyo healthy na resto na Yellow Halo sa Orti-gas. Tapos mayroon pang isa sa U.P. Town Center. Merong isang cake place. Basta dessert place, pangalan ng babae, parang Mrs. Fields or something.”

O di ‘ba,  may fallback na si Bitoy (palayaw ni Michael) sakaling magretiro na siya sa showbiz.

MARICEL SORIANO SPEECHLESS SA HUSAY NI ANGEL LOCSIN

maricel_sorianoISA sa pinaka-mapa­ngahas na eksena ni Angel Locsin sa comeback te­leserye nito sa ABS-CBN at Dreamscape Entertainment ay ‘yung eksena niya sa dagat sa isang probinsya na pinagtangkaan siyang patayin at nailigtas nina Arjo Atayde at Maricel Soriano. Sobrang nahirapan si Angel sa kanyang underwater scene pero dahil kailangan niyang gawin at buong tapang niya itong ginawa. At speechless daw si Maricel sa mga eksena nila ni Angel at speechless ang Diamond star sa husay ng performance nito sa serye gayundin ni Arjo na ibang klase raw gumanap sa kanyang character.

Mga dekalibreng actor ang makakasama ni Angel dito sa The General’s Daughter gaya nina Tirso Cruz III, Albert Martinez, Janice de Belen, Eula Valdez, Ryza Cenon, at ang loveteam nina Ronnie Alonte at Loisa Andalio. Sina Direk Manny Palo at Direk Mervyn Brondial ang director ng nasabing soap na mapanonood na simula ngayong Enero 21 pagkatapos ng FPJ’s Ang Probin-syano sa ABS-CBN Primetime Bida.

NAGMAMAGANDANG NETIZENS BIGO SA PAGPAPATALSIK KAY MAUREEN WROBLEWITZ

OVER naman itong mga nagmamagandang netizens na ayaw tumigil sa pamba-bash sa kauna-unahang Pinay na nagwagi sa Asia’s Next Top  Model na si Maureen Wroblewitz, na mainstay ng Eat Bulaga. As in wagas kung lait-laitin ng mga ito si Maureen na kesyo ganda lang daw ang puwede nitong ipagmalaki dahil wala itong talent as in aanga-anga raw at malam­yang mag-host.

Regular kaming nakapanonood ng Eat Bulaga dahil since bata kami at nasa Gensan pa ay ito ang noontime show na pinanonood namin ng buong pamilya. Kaya napanonood naming mag-host si Maureen at hindi man siya perfect sa hosting ay marunong naman at jolly naman itong nakikipagsabayan sa tatlong Maria FM Deejays para sa segment na “Magcomment Na.” Pasasaan din at mai-pakikita ni Maureen sa buong mundo na may karapatan rin siyang maging TV host at siyempre actress.

Huwag na tayong lumayo pa bakit noon si Alice Dixson walang kalatoy-latoy umarte bakit ngayon ang husay-husay na. Sorry sa mga basher ni Maureen, at hindi sila nagtagumpay na mapatalsik ito sa Eat Bulaga.

Comments are closed.