NAKATUTUWA ang naging episode isang Sabado ng Pepito Manaloto dahil sa nagkatotoo na ang pagba-ban kay Ronnie Henares bilang si Tommy sa office at mansion ni Pepito?
Bakit kaya nagkaganito? Dahil ba sa hindi nakakabayad ng utang si Tommy kay Pepito? Anyway, ang totoo pala ay may sakit na nakakahawa si Tommy kaya na-ban. Ano kaya ang kanyang sakit?
Naging panauhin sa episode sina Michael Rivero, Tony Lopena, Cherry Malvar, Maureen Larrazabal at Chariz Solomon.
Sa kanyang birthday
MAYOR MENCHIE ABALOS NAGHANDOG SA SENIOR HIGH STUDES NG MONTHLY ALLOWANCE; NAGBUKAS NG MANDALUYONG DIALYSIS CENTER
NOONG nakaraang birthday ng butihing Mandaluyong Mayor Menchie Abalos, sa celebration ng kaarawan, naghandog siya sa kanyang mga kababayan lalo sa kabataang senior high school (11th and 12th grade) students ng public school ng City of Mandaluyong ng monthly allowance ang bawat isa ng tig-P300.
Sa mga mamamayan na may problema sa kanilang kidney, may Mandaluyong Dialysis Center along Martinez Street ang inau-gurate ni Mayor Menchie last June 30.
Ani Mayor Menchie: “ Gusto ng pamahalaan ng Mandaluyong na matulungan ang mga nasa senior high school para magamit nila ang allowance kapag sila’y nagkakaroon ng on the job training (OJT). Ang allowance ay makatutulong din sa kanilang pangangailangan sa pagpasok sa school.”
Sa Mandaluyong Dialysis Center, isa ito sa project ni Mayor Menchie para matulungan ang mga may kapansanan sa kidney. Hindi na mahihirapan pa ang mga nangangailangan sa ganitong klaseng serbisyo lalo na sa mga indigent patient.
Last June 29, nagkaroon ng 11th Abalos Golf Cup sa Wack-Wack Golf and Country Club. Part ng birthday celebration ni Mayor Menchie ang golf tournament na ang proceeds ay mapupunta sa Ciara Marie Abalos Foundation na tumutulong naman sa mga indigent patients ng Mandaluyong Medical Center. May iba pa ring institution sa Mandaluyong na tinutulungan ng foundation. Bukod pa sa ibang lugar na nangangailangan.
Ang Abalos Golf Cup ay pinamahalaan ng CATANDEM group ni Addition Hills Barangay Captain Carlito Tolibas Cernal. Bagong kauupong barangay captain ng pinakamalaking barangay sa Mandaluyong, ang Addition Hills.
Pinagpapatuloy rin ni Mayor Menchie ang mga project ng kanyang asawang dating Mayor Benhur Abalos. Sunod-sunod na pagpapagawa ng mga kalye ng Mandaluyong at paglalagay ng bagong street lights. Kabilang sa project ay pagpapalapad ng kalye ng F. Ortigas Street na malapit sa Acacia Lane.
May bagong Mandaluyong Medical Center building ang ginagawa ngayon. May taas na walong palapag para mas maraming patients ang ma-accommodate. Matatagpuan ang bagong building sa tabi ng Mandaluyong Dialysis Center sa Martinez St.
Ayon kay Mayor Menchie, ang old Mandaluyong Medical Center building ay gagawing Mandaluyong Diagnostic Center.
Handog ni Mayor Menchie ang serbisyo totoo sa mamayan dahil ang motto ng Mandalyong ay “Gawa , Hindi Salita.”
Comments are closed.