NANATILING si Megan Young, na nagwaging Miss World noong 2013, ang tanging Filipina na nakakamit ng korona sa patimpalak may halos 70-taon sa kasaysayan.
Nabigong maiuwi ng kandidata ng Filipinas na si Michelle Dee ang ikalawang Miss World title sa pageant na ginanap sa London nitong Sabado.
Nagtapos ang pagrampa ng aktres at TV host sa Top 12, at tanging si Miss India Suman Ratansing Rao ang kinatawan ng Asya sa final round.
Si Rao ay nagtapos sa third place, kasunod ni Ophely Mezino ng France habang ang overall winner ay si Toni-Anne Singh ng Jamaica.
Ang 23-anyos na si Singh ay kumukuha ng kursong Medicine at magaling din itong umawit.
Sa Q&A, sinabi ni Singh na ang isang bagay na kanyang nakahihiligan ay masiguro na ang lahat ng kababaihan sa mundo ay mabigyan ng pagkakataon na maging matagumpay.
Comments are closed.