SOBRANG naging emotional si Michelle Madrigal kaya napaiyak siya nang manumpa siya bilang citizen ng United States, limang taon mula nang manirahan siya dito.
Naalala raw niya ang anak niyang si Anika pagkatapos ng oath taking kahit kailangan pa niyang pumasok sa trabaho dahil nasa iskwelahan pa si Anika.
Gusto raw kasi niyang mag-celebrate kasama ang kanyang pamilya dahil emotional siya nang mga oras na iyon, lalo pa at kadidiborsyo lamang nila ng asawang si Troy Woolfolk.
“With the whole thing going on like with my divorce and everything, ‘pag may malalaking bagay na nangyayari, all you want to be surrounded with is your family,” sabi niya. “Ang bilis no’ng pangyayari. Just looking back, I realized na five or six years na ako dito sa States,” dagdag pa niya. – KAYE NEBRE MARTIN