MICO PALANCA BUMAGSAK SA MALL, PATAY

MICO PALANCA

DEAD on the spot ang  41-anyos na aktor na si Mico Palanca, kapatid ni Bernard Palanca.

Kinumpirma ni San Juan CPS PCol. Jaime Santos, na dead on the spot ang aktor matapos na bumagsak ang katawan nito sa isang canopy ng isang mall mula sa ikaapat na palapag.

Linggo  ng alas-3:56 ng hapon nang makita sa CCTV footage  na sumakay sa elevator nang mag-isa ang aktor sa hilagang bahagi ng mall tapos dumaan sa fire exit ng rooftop, at ilang sandali pa ay nakita na lamang ang katawan nito na bumagsak.

Una ang ulo ng aktor sa pagbagsak.

Ayon sa bayaw nitong si Gabriel  Alipe, ilang araw nang balisa at umiinom ng alak  ang aktor dahil sa personal na problema.

Patuloy ang imbestigas­yon ng pulisya sa insidente. AIMEE ANOC

Comments are closed.