MICROPLASTIC NASA PAGKAIN AT INUMIN

Habang naghahanda ang mga world leaders sa final United Nations negotiations hinggil sa Global Plastics Treaty ngayong November, nagdesisyon ang maraming komunidad sa Pilipinas na kusang umaksyon upang maresolba ang krisis sa plastic.

Nanguna ang San Juan City at Quezon City sa proyektong tinaguriang “Kuha sa Tingi” (KT) kung saan sa halip magbenta ng mga sachet ay babalik ang mga sari-sari stores sa nagbebenta ng tingi. Lumalaganap na ito hindi lamang sa nabanggit na dalawang siyudad kundi sa iba pang panig ng Metro Manila at mga karatig-probinsya, sa pagtutulungan ng Greenpeace Philippines at Metro Manila Mayors’ Spouses Foundation (MMMSF).

Layon ng nasabing proyektong bawasan ang plastic pollution sa pagpapalaganap ng reuse and refill system.

Ayon kay Marian Ledesma, Zero Waste Campaigner at Greenpeace Phi­lippines, uma­asang silang sa pagtitingi, mababawasan na ang plastic, gaganda pa ang kapaligiran.

Ngayong September, sisimulan na ang pagkakabit ng mga refilling dispensers sa mga barangay at sari-sari stores sa Metro Manila, kung saan makakabili ng mura at accessible refill options para sa bahay tulad ng liquid detergent, dishwashing liquid, fabric conditioner, at multipurpose cleaner.

Sa ganitong paraan, hindi na kailangan ang mga sachet at mababawasan na rin ang plastic pollution.

Sa Pilipinas, umaa­bot sa164 million sachet ang ginagamit araw-araw.

Sa tulong ng Kuha sa Tingi project, unti-unting mawawala ang mga sachet na karaniwang bumabara sa mga daluyan ng baha sa Metro Manila kapag umuulan.

Samantala, natuklasan ng mga siyentipikong may mga nano plastic na rin o microplastic sa asukal, asin, soft drinks at kahit pa sa bottled water na ating gina­gamit.

Natuklasan din sa pananaliksik na halos lahat ng body organs ng modernong tao sa kasalukuyan ay may nano at microparticles ng plastic, sanhi kaya nagkakaroon ng mga sakit na hindi inaasahan. Kahit umano ang utak ay katatagpuan nito at maging ang dugo ng tao, dahil wala tayong kamalay-malay na nakasama pala ito sa ating kinakain.

Kwestunable ang isang sikat na brand ng softdrink na nagkataong paboritong    inumin sa nga­yon ng mga Filipino, dahil sa isang maliit na plastic bottle pa lamang nito na 310 ml lamang ang lamang ay may apat na klase na agad ng nanomicroparticle plastic na natagpuan.

Sinasabing may at least 46 microplastic sa isang 800 ml nito na natagpuan. Sa France ito natuklasan at hindi sa Pilipinas dahil wala namang nag-iimbestiga dito.

Lahat umano ng natuklasang particles sa nasabing soda ay mas maliit pa sa 500 micrometres (µm) at karamihan ay mas maliit pa sa100 µm kaya hindi ito napupuna. Yung mas malapit sa openings, mins, mas maliit pa sa 50 µm.

Naniniwala ang mga scientist na naabot na rin nito ang mga sanggol na nasa sinapupunan — no wonder, dumarami ang bilang ng mga batang autistic o mas grabe pa. Ikaw ba naman yung nasa tiyan pa lang, polluted na, lalaki ka bang normal?

Actually, isa rin umano ito sa dahilan kung bakit nababaog ang mga lalaki — bumababa ang sperm count dahil na nai-ingest na nanomicroparticles ng ina habang nagbubuntis.

Batay rin sa nasabing pananaliksik, natuklasang umaabot sa 74,000 hanggang 121,0000 microplastic ang nakakain ng bawat tao, na hindi natin alam, sa loob ng isang taon.

Pinag-iisipan na ngayon ng mga French authorities kung ipagbabawal ba ang nasabing soft drinks sa kanilang bansa — ngunit hindi pa nila naiimbestigahan ang iba pang brand! Baka pare-pareho lang sila.

Alam nilang nakasasama ang microplastic sa puso dahil nababarahan nila ang mga valves at chambers nito na nagiging sanhi ng atake sa puso. Ngunit puso nga lamang ba? Bakit napakarami ngayong namamatay sa cancer? Bakit ang da­ming isinisilang na autistic, may down syndrome, may ADHD at iba pang sakit na dati naman ay wala?

Dahil kaya ito sa plastic microparticles na nakain ng ina habang nagbubuntis? Parang ang hirap nang mabuhay sa mundong ito! Lahat na lang, pat pagkain at tubig, matatakot kang ilagay sa iyong bibig!

JAYZL VILLAFANIA NEBRE